112
US Embassy sinita ni Digong sa nakatakas na narco-politician
By

US Embassy sinita ni Digong sa nakatakas na narco-politician

Kinuwestiyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang United States Embassy sa Maynila dahil sa pagkapuslit palabas ng bansa ng suspected narco-politician na si dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog.

Sinabi ng Pangulo sa humingi ng listahan ang US Embassy sa kanya na naglalaman ng mga pangalan ng mga politiko at opisyal ng gobyerno na sangkot sa iligal na droga pero nakapagtatakang napalusutan sila ni Mabilog.

Kasama aniya ang pangalan ni Mabilog sa narco-list na ibinigay nito kay US Ambassador to the Philippines Sung Kim, sa layuning huwag mabigyan ng visa ang mga Pilipinong adik.

Sa pagkakaalam ni Pangulong Duterte ay nakapuslit papuntang Amerika si Mabilog para makaiwas sa mga awtoridad o kung hindi man ay sa Canada ito nagtatago sa ngayon.

“I’d like to inform the US Embassy. I thought I gave you a list noon. Kung nakalusot itong mayor na ito I’d like to ask the embassy, bakit ninyo nabigyan ng…? Nanghingi kayo ng listahan, ibinigay ko sa ambassador ninyo so that Filipino addicts who would go there only to destroy your country, will be denied visas,” anang Pangulo.

“I think I remember I gave you a copy and the name of this mayor, because he’s so famous, was there definitely. Now, I’m asking bakit nandiyan sa America? If indeed he is in America. Or if he’s not in America, I’m sorry but maybe in Canada,” anang Pangulo.

Matatandaang matapos isapubliko ni Pangulong Duterte ang pangalan ni Mabilog na sangkot sa illegal drug trade ay agad na sumibat ito palabas ng bansa at hanggang sa ngayon ay hindi pa rin bumabalik sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?