97

Jul 3, 2019 @ 16:47
By

US Embassy sarado sa Hulyo 4

Inanunsiyo ng United States Embassy sa Pilipinas na sarado ang kanilang tanggapan sa darating na Huwebes (Hulyo 4) para bigyang-daan ang paggunita sa 243rd anniversary ng US Independence.

Dahil dito, wala munang tatanggaping transaksyon ang embahada para sa nasabing petsa.

Muli namang magre-resume ang normal na operasyon ng US Embassy sa Maynila sa Biyernes, Hulyo 5.

Samantala, permanente nang sarado ang US Citizenship and Immigration Services office sa Maynila sa Biyernes na bahagi ng plano ng Trump administration na bawasan ang legal at illegal immigration.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?