57

Nov 9, 2017 @ 16:35
By

US Embassy sarado sa Biyernes

Sarado sa araw ng Biyernes, Nobyembre 10 ang tanggapan ng United States Embassy sa Maynila.

Ito ay dahil ginugunita sa Amerika ang “Veterans Day” na isang pista opisyal o holiday sa U.S.

Ang “Veterans” ay taunang ginugunita sa Amerika bilang pag-alala noong panahon na nagtapos ang World War I noong alas 11:00 ng umaga ng November 11, 1918.

Samantala, dahil maraming bahagi sa Roxas Boulevard ang maaapektuhan ng road closures para sa ASEAN Summit, sarado din ang U.S. Embassy mula November 13 hanggang November 15 o Lunes hanggang Miyerkules.

Sa abiso ng embahada, ang kanilang consular section ay sarado sa nasabing mga araw at wala silang tatanggaping visa appointments.

Ang mga mamamayan ng Amerika na mangangailangan ng emergency services ay maaring tumawag sa hotline ng U..S. Embassy na (63) (2) 301-2000. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?