By

US Embassy, sarado ngayong Huwebes

Sharing is caring!

Sarado ang Embahada ng Estados Unidos sa Maynila ngayong araw ng Huwebes, Nobyembre 23, 2017.

Ito’y dahil sa pagdiriwang ng Thanksgiving Day, isang holiday sa Estados Unidos.

Ayon sa Information Office ng US Embassy, sarado ang kanilang tanggapan sa Roxas Blvd., pati na ang mga affliated offices nito.

Para sa mga kukuha ng visa at may mga iba pang transaksiyon, magbabalik ang serbisyo ng embahada bukas, araw ng Biyernes, Nobyembre 24.

Ang Thanksgiving Day ay ipinagdiriwang sa US tuwing ika-apat na Huwebes ng Nobyembre. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?