5
united-2026
By

US, Canada, Mexico host ng ‘26 World Cup

Sharing is caring!

Tinalo ng North American trio ng US, Canada at Mexico ang Morocco para maging hosts ng 2026 World Cup.

Nagbotohan sa Russia kahapon bago ang siklab ng 2018 World Cup sa Moscow ngayon.

Balik sa US ang pinakamalaking torneo ng sport sa buong mundo sa unang pagkakataon sapul noong 1994, nakakuha ng 134 votes kumpara sa 65 lang ng Morocco.

Sinimulan na rin ni FIFA president Gianni Infantino ang diskusyon para gawing 48 ang competing teams sa 2022 mula sa 32 ngayong edisyon.

Pagkatapos ng final whistle ng torneo sa Luzhniki Stadium sa Moscow sa July 15, mababaling na ang atensiyon sa 2022 World Cup sa Qatar. Ginawa nang Nov. 21-Dec. 18 ang iskedyul ng Qatar edition dahil napakainit ang disyerto doon kapag June. Naging 28 days na lang din ang 2022 World Cup dahil masasapul nito ang European club season.

Kasunod ng drug-testing scandal na nangibabaw noong 2014 Sochi Winter Olympics, sinabi ng FIFA medical committee na walang Russian ang itatalaga sa grupo na mangongolekta ng urine at blood samples, na agad ibibiyahe sa Lausanne, Switzerland para sa analysis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?