35

Oct 14, 2021 @ 16:26
By

US binigyan ng mga drone ang ‘Pinas

Pinangunahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pagtanggap sa apat na ScanEagle unmanned aerial systems mula sa United States military.

Isinagawa ang seremonya sa Clark Air Base, Pampanga noong Oktubre 13 at ipagkakaloob sa Philippine Air Force.

Inaasahang magpapalakas ito sa counterterrorism, humanitarian assistance at relief effort sa bansa.

Bukod sa mga drone ay nagsagawa rin ng pagbasbas sa limang S-70i Black Hawk helicopter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?