69

Dec 30, 2020 @ 16:16
By

US ban sa mga gov’t official na mainit sa journalist, OK lang sa Palasyo

Iginagalang ng Malacañang ang bagong batas ng Estados Unidos na nagbabawal papasukin sa kanilang bansa ang mga dayuhang opisyal ng gobyerno na nagbabanta, nagpakulong o sumikil sa kalayaan ng mga mamamahayag.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na inirerespeto ng Pilipinas ang soberanya, kasarinlan at pagiging pantay ng Estados Unidos.

“We recognize the democratic process of a sovereign state, much as the United States, which according to reports recently enacted a congressional measure which bans foreign government officials allegedly threatening, wrongfully imprisoning, or otherwise depriving of liberty of independent journalists,” ani Roque.

Pero iginiit ng kalihim na mayroong sariling independiyenteng institusyon ang Pilipinas at mga batas na dapat ipatupad sa lahat ng mamamayan.

Sinabi ni Roque na dapat igalang ng bawat bansa ang panloob na polisiya at anumang panghihimasok sa soberanya ng isang bansa ay hindi dapat na pahintulutan.

“We have our own independent institutions and domestic laws that must be enforced and applies to all. Each must learn to respect each other’s domestic policies,” dagdag ni Roque.

Matatandaang hindi pinayagan ng Court of Appeals na makabiyahe sa Amerika ang numero unong kritiko ng administrasyon na si Maria Ressa para sana madalaw ang kanyang ina.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?