20

US Ambassador binisita si INC Executive Minister Eduardo Manalo

Sharing is caring!

Ang United States Ambassador to the Philippines, Kagalang-galang na Sung Kim, ay bumisita sa INC Executive Minister, Brother Eduardo V. Manalo noong Lunes, Pebrero 12, 2018.

Ang pagdalaw ng US Ambassador sa international headquarters ng INC sa Central Office nito sa Quezon City, ay nangyari habang ang Iglesia Ni Cristo ay naghahanda sa pagsapit ng ika-limampung anibersaryo ng pagkakatatag ng mga kongregasyon nito sa labas ng Pilipinas.

Ang ganitong pagdalaw ng Kagalang-galang na US Ambassador ay isa lamang sa maraming pagbisita ng mga international diplomats sa Iglesia Ni Cristo Central Office.

Sa pahayag ni kapatid na Joel San Pedro, Ministro ng Ebanghelyo at INC Central Office Protocol Officer ay sinabi niya na “ikinagagalak namin ang pagdalaw ng Kagalang-galang na Ambassador sa Tagapamahalang Pangkalahatan” dagdag pa niya, “napapanahon ang pagdalaw sapagkat sasapit ang Iglesia Ni Cristo sa ikalimampung anibersaryo ng gawain nito sa Malayong Kanluran, kung saan mayroon na itong tatlong daang kongregasyon sa U.S.A. pa lamang.”

July 27, 1968 nang magkaroon ng unang kongregasyon sa labas ng Pilipinas ang Iglesia Ni Cristo at iyon ay sa Hawaii, U.S.A. Ang ikalawang kongregasyon nito sa ibayong dagat ay sa California. Sa kasalukuyan, ang INC ay matatagpuan sa 142 bansa at teritoryo sa boong mundo, at mula sa hindi bababa sa 133 ethnic groups at nationalities ang ibinibilang nitong kaanib.

Ang Iglesia Ni Cristo ay unang ipinarehistro sa Pilipinas noong July 27, 1914, at ito ay magdiriwang ng ika-104 na anibersaryo sa taong ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?