283

Apr 8, 2021 @ 15:43
By

US ‘aaksyon’ kapag inatake ng China ang PH

Mati-trigger ng anumang atake laban sa Pilipinas ang obligasyon ng Amerika sa defense treaty sa pagitan ng dalawang bansa.

Ito ang tiniyak ni US Secretary of State Anthony Blinken sa gitna ng pagbakod ng China sa Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea na pagmamay-ari ng ‘Pinas.

“As we have stated before, an armed attack against the Philippines armed forces, public vessels, or aircraft in the Pacific, including in the South China Sea, will trigger our obligations under the US-Philippines Mutual Defense Treaty,” sabi ng tagapagsalita ni Blinken na si Ned Price, Huwebes.

Nakasaad sa naturang kasunduan na dedepensa ang ‘Pinas sa US at ang US sa ‘Pinas sakaling umatake ang iba pang bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?