77

Dec 17, 2017 @ 18:33

Urduja tinutumbok ang Romblon — PAGASA

Nananatili ang lakas ng tropical depression Urduja habang kumikilos patungong Romblon nitong Linggo ng hapon.

Sa bulletin ng PAGASA nitong alas-2:00 ng hapon, namataan ang mata ng bagyo 65 kilometers east southeast ng Romblon, Romblon na may lakas na hanging 55 kilometers per hour at bugsong 90 kph.

Kumikilos ang bagyo pakanluran sa bilis na 15 kph.

Patuloy naman ang pag-ulan sa bahagi ng Quezon, Batangas, Mindoro provinces, Marinduque, Romblon, at northern Palawan including Cuyo at Calamian Group of Islands.

Nagbabala ang PAGASA sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga nabanggit na lalawigan.

Tropical cyclone warning signal number 1 pa rin sa mga sumusunod:

southern part of Occidental Mindoro
southern part of Oriental Mindoro
Romblon
Masbate including Burias and Ticao Islands
northern part of Palawan including Cuyo, Calamian Group of Islands
Aklan
Antique
Capiz
Iloilo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?