77

Dec 17, 2017 @ 11:36
By

‘Urduja’ hanggang Martes mamasyal sa PAR

Bahagyang bumilis sa 10 kph ang bagyong Urduja mula sa 7kph subalit mabagal pa rin ang pagkilos nito kaya inaasahang magbababad ito sa Philippine Area of Responsibility.

At kung hindi magbabago ang takbo ay inaasahang babayuhin nito ang Samar at tatawid sa Masbate, Panay at Palawan na magdudulot ng malalakas na pag-uulan hanggang Martes at tuluyang lalabas ng bansa sa araw ng Miyerkules.

Ayon sa PAGASA namataan si Urduja na may taglay na lakas ng hangin na 80kph at bugso na 110kph sa East Northeast ng Borongan City, Eastern Samar o 120 km East Southeast Catarman, Northern Samar.

Nanatiling nakataas ang Tropical Cyclone Signal Warning No. 2 sa 10 lugar kabilang ang Albay,Sorsogon,Masbate kabilang ang Burias at Ticao Islands,Romblon,Northern Samar,Eastern Samar,Samar,Biliran,Leyte,Aklan,Capiz at Northern Iloilo.

Nasa ilalim naman ng Signal No 1 ang Southern Quezon,Mindoro,Marinduque,Romblon,Catanduanes,Camarines Norte,Camarines Sur,Cuyo Island at Calamian Group of Islands,Antique,Iloilo,Guimaras,Negros Occidental,Northern Negros Oriental,Cebu,Northern Bohol,Southern Leyte at Dinagat Islands na magkakaroon ng maulang panahon at malakas na bugso ng hangin dahil sa mabagal na pagkilos ng bagyo

Ang Samar ang inaasahang magiging sentro ng bagyo kaya patuloy na makakaranas ng sungit na panahon, taglay umano nito ang malakas na hangin na kayang sumira ng bubong o kabayahan na gawa sa light materials,mga puno na kayang baliin ang sanga kaya pinag iingat ng PAGASA ang mga residente.

Pinapayuhan din ang mga nakatira sacoastal area lalo sa Northern at Eastern Samar na dapat maging handa sa stormn surge gayundin sa pagkakaroon ng flashfloods at landslides.

Delikado umano na pumalaot ang mga maliliit na sasakyang pandagat.

Tatawirin umano ng bagyong Urduja ang isla ng Samar kaya dapat maging handa sa pagtama at pagtawid ng bagyo dahil bukod sa malakas ay mabagal din ang pagkilos nito, ayon sa PAGASA mas nakakabahala kapag mabagal ang galaw ng bagyo dahil ang ibig sabihin nito ay mababad ang mga lugar na nasa storm signal sa tuloy tuloy na bugso ng hangin at ulan sa mahabang oras.

Linggo ng umaga ay tatawid umano ang bagyong Urduja sa Masbate at hindi umano ito hihina hanggang sa tumbukin nito ang Masbate sa Linggo ng gabi at sunud na magpapaulan ito sa Northern Panay kasama ang mga probinsya ng Aklan,Capiz,Antique at hindi magbabago ang lakas ng bagyo hanggang sa Lunes ng hapon kung saan patungo ito sa Palawan.

Martes ng umaga ay maaaring nasa West Philippine Sea na ang bagyong Urduja Lunes ng hapon ay maaaring nasa West Philippine Sea pero nasa loob pa rin ng PAR sa kanluran ng Palawan at posibleng isa na lamang itong tropical depression at hindi na isang bagyo, Miyerkules ng umaga pa inaasahan na tuluyan itong makalalabas ng PAR.

Kung pagbabatayan ang Numerical Weather Models na ginagamit ng PAGASA ay asahan umano na sa Miyerkules ay isa pang tropical depression na magiging bagyo sa Pacific Ocean na papasok sa PAR, hindi pa batid ng PAGASA kung saang lugar itong tatama bagamat sigurado umano ang pagpasok ng panibagong LPA. (Tina Mendoza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?