51

Aug 2, 2021 @ 20:45
By

Urban poor groups suportado si VP Leni

Naglunsad ang ilang urban poor group nitong Lunes ng isang organisasyong susuporta sa kandidatura ni Bise Presidente Leni Robredo bilang pangulo sa 2022.

Pinangalanan nila ang grupo na LENI Urban Poor.

Layunin ng grupo na wakasan ang panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte, maging ng nakaambang pagkakaluklok ng anak niyang si Mayor Sara Duterte-Carpio bilang presidente.

“We declare that Leni should run for President. She should be the President. We also support Leni’s efforts to build broad opposition unity, which is based on her clear understanding of the political situation,” saad sa manifesto ng grupo.

“We agree with Leni that, more than anything, it is important to build a united opposition with only one presidential candidate. Like Leni, we believe this is the only way for democratic forces to succeed,” saad pa nito.

Hanggang sa ngayon ay ‘di pa nagdedeklara si Robredo ng pinal na desisyon tungkol sa 2022 elections.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?