79

Dec 12, 2017 @ 13:01
By

Urban poor commission, pinabubuwag ni Duterte

Tinuluyan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbuwag sa Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) na pinamumunuan ni dating Congressman Terry Ridon.

Ang komisyon ni Ridon ang ahensiyang tinukoy ng Pangulo noong Biyernes na bubuwagin nito dahil sa katiwalian at panay-panay umanong biyahe o “junket” ng mga opisyal ng mga ito sa ibang bansa.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque, wala pa ang opisyal na dokumento para sa pagbuwag sa PCUP pero inatasan na siya ng Pangulo na ianunsiyo ito.

Batay aniya sa pahayag ng Pangulo, ang mga commissioners ng PCUP ay notorious sa junkets na isa sa pinaka-ayaw nitong gawin ng mga opisyal ng gobyerno.

” The President stated two grounds behind his decision to abolish the commission, number one , according to him it is a collegial body and have not met as a collegial body and number two, that the commissioners are notorious for junkets abroad. This kind of performance has no place in the Duterte administration,”ang pahayag ni Roque.

Binigyang-diin ng kalihim na ang hakbang ng Pangulo na pagbuwag sa PCUP ay patunay na seryoso ito sa kanyang anti-corruption campaign.

“We reiterate we are serious about the drive against corruption in government and this latest decision of the President to abolish the PCUP — the PCUP among others for unnecessary junkets of its officials prove beyond doubt that the President is very serious in his anti-corruption campaign,” ang dagdag pa ni Roque.

Kasabay nito nilinaw ng kalihim na walang kinalaman ang pagigilang pulahan ni Ridon sa pagbuwag sa tanggapang pinangangasiwaan nito. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?