128
Upset! Joshua yuko kay Ruiz Jr.
Jun 2, 2019 @ 16:33
By

Upset! Joshua yuko kay Ruiz Jr.

Replacement challenger lang si Andy Ruiz Jr kontra sa unified heavyweight challenger na si Anthony Joshua.

Kung titingnan, walang makapagsasabing makakalusot si Ruiz kontra sa British knockout artist, unang-una wala pang Mehikano na naging kampeon sa heavyweight division. Pangalawa, limang linggong training lang ang naibigay kay Ruiz Jr., kitang out of shape ito sa kanilang laban.

Ngunit ginimbal nito ang boxing world nang maiskor ang seventh round TKO victory at matagumpay na makuha ang IBF, WBA at WBO heavyweight titles.

Third round nagpakilala ang kamao ni Ruiz kay Joshua, napabagsak ng dalawang beses, ang una ring pagkakataon na napahalik sa lona ang dating kampeon.

Kita ang pagkahapo ng dalawa sa round 4, pagsapit ng seventh ay muling pinalasap ni Ruiz kay Joshua ang matinding upak, bumagsak muli, at sa ikalawang pagkakataon sa nasabing round, 1:27, ay itinigil na ni referee Michael Griffin ang laban at masungkit ni Ruiz ang sinasabing greatest upset sa boksing.

“I just want to thank God for giving me this victory. Without him this wouldn’t have been possible,” ayon kay Ruiz, na akyat ang win-loss record sa 33-1, 22 KOs.

“This is what I have been dreaming about. This is what I have been working hard for, and I can’t believe I just made my dreams come true.”

Samantala, papuri naman ang sinukli ni Joshua sa Mexican matapos ibigay sa kanya ang unang talo sa 23 sabak.

“Big respect to Andy, big big respect, good fighter. Thank you America. Thank you everyone for coming out this evening. Sorry I let my friends down, sorry I let my supporters down,” saad ni Joshua.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?