22

Sep 9, 2021 @ 10:01
By

UPLB grad nanguna sa veterinarian licensure exam

Nilampaso ng isang gradweyt ng University of the Philippines – Los Baños (UPLB) ang mga kasamahan niya sa 2021 Veterinarian Licensure Examinations matapos niyang manguna sa exam sa rating na 85.36%.

Ayon sa ulat ng GMA News, sa 720 nakapagtapos ng programang Veterinary Medicine, 276 dito ang nakapasa ng licensure exam.

Kinilala ang Top 1 na si Gabriel Gonzaga Comota III mula UPLB na siyang naka-sikor ng pinakamataas na grado na sinundan ni Carmela Marie Bongco Lizares sa rating na 84.52% na galing din sa parehong Unibersidad.

Ilan pa sa mga nakapasok sa top 10 may pinakamataas na iskor ay mula De La Salle-Araneta Univeristy, Central Luzon State Univerity, at Don Mariano Memorial Stae Univerity – Bacnotan.

Ikinasa ang naturang exam noong Agosto at ngayong buwan sa Maynila, Baguio, Legazpi, Cebu, Tuguegarao at Koronadal.

Samantala, wala pang anunsyo kung kailan ang petsa ng kanilang oath-taking.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?