85

#UPFight! UP community nagbunyi sa Final Four stint

Sharing is caring!

Lampas dalawang dekada ang hinintay ng mga tagasuporta ng University of the Philippines Fighting Maroons para muling makaalpas sa semifinals.

At dahil nakamit na nila ito sa paggiba sa De La Salle Green Archers, 97-81, abot-tengang ngiti mula sa UP community ang nalasap ng mga manlalarong ginawa ang lahat upang matapos na ang sumpa sa Final Four.

Ilan sa mga proud Iskolar ng Bayan ay sina Kobe Paras, Joseph Morong, Isa Molde at Ebe Dancel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?