66
pnp1
By

Update: 4 pulis-Maynila arestado sa pangongotong sa Egyptian

Sharing is caring!

Dinakip ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Counter Intelligence Task Force (CITF) at National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na pulis-Maynila matapos maaktuhang nangongotong sa kanilang isinagawang entrapment operation sa Maynila kagabi.

Kinilala ang mga naarestong pulis na sina SPO3 Ranny Litonjoa Dionisio, PO3 Richard Osorio Bernal, PO1 Elequiel Jeric Fernandez, at PO1 Arjay Lastricia Lasap.

Mga miyembro ang mga ito ng Intelligence Section ng Police Station 9 ng Manila Police District (MPD).

Ayon kay CITF Spokesperson Police Chief Inspector Jewel Nicanor, alas-6:15 kagabi nang ikasa ng CITF ang entrapment operation malapit sa isang gasolinahan sa loob ng isang convenience store sa Qurino Avenue, Mabini Street.

Nagresulta ang entrapment operation matapos na magreklamo ang isang Egyptian na naaresto ng mga pulis dahil sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga.

Inireklamo nito ang pag-oobliga sa kanya ng mga pulis na magbayad ng P200,000 na kalauna’y umabot na lamang sa halagang P50,000 para lamang maabsuwelto ito sa kaso.

Sa ngayon, nananatili sa NBI ang mga naarestont pulis habang tinutukoy pa ang kasabwat ng mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?