21
soco21
By

Update: 2 magkapatid kinatay dahil sa selos, pagdodroga ng ama

Sharing is caring!

Naghalo na ang selos at epekto ng droga sa pag-iisip ng isang 42-anyos na lalaki kaya’t nagawa nitong pagsasaksakin hanggang sa mapatay ang dalawang anak niya sa kanilang bahay sa Lower Bicutan, Taguig City kaninang umaga.

Sinabi ni Southern Police District Director, Chief Supt. Tomas Apolinario, napatay din ng mga pulis ang suspek na si Ariston Nacion, ng Pangilinan St., Lower Bicutan.

Samantala, ang mga biktima niyang anak ay sina Jivo, 13, at Lance Nacion, 6.

Base sa ulat, isinumbong ng mga residente sa lugar ang kaguluhan sa loob ng bahay ng mga Nacion alas-10:00 ng umaga.

Sa pagbukas ng pinto ng mga rumespondeng pulis ay inundayan na sila ng suspek na si Ariston kaya’t binaril nila ito at napatay.

Dito ay tumambad na rin sa paningin ng mga pulis ang duguang magkapatid at kapwa wala nang buhay.

Ang nakatatandang Nacion ay kilala sa lugar na gumagamit ng droga at sinasabi na may pinagseselosan ito sa asawa, na nasa ibang bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?