13

Jan 16, 2021 @ 19:14
By

Upakang Inoue-Dasmarinas hilaw

Malabo pa ang nilulutong bout nina Japanese monster Naoya Inoue at Pinoy fighter Michael Dasmarinas, ayon na kay manager-promoter Art Monis.

Kwento ng promotor ng tubong Cam-Sur boxer Michael na si Monis, wala pang senyal ang bout mula sa IBF.

Kasabay nito ay hinihintay rin nila ang kumpirmasyon kay MP Promotions president Sean Gibbons na posibleng sagutin pa sa Marso o Abril.

Sa ngayon ay hawak pa rin ng 27-anyos na Hapon ang undefeated record na 20 wins habang ang Pinoy challenger ay may 30 wins, 2 losses at 1 draw at kinikilala rin ito bilang IBF number 1 contender. (Aivan Episcope)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?