9

Oct 22, 2020 @ 20:20
By

Upakan sa PH Football League magbabalik

ANIM na team tampok ang Azkals Development Team, Clubs United City, Maharlika, Stallion-Laguna, Kaya-Iloilo at Mendiola ang tampok sa balik bakbakan ng Philippine Football League (PFL) sa isasagawang ‘bubble’ competition simula sa Linggo sa Philippine Football Federation (PFF) facility sa Carmona, Cavite.

Tanging mga may mag direktang kinalaman sa liga, sa pakikipagtulungan ng Qatar Airways, ang sasalang sa football field.

Mapapanood ang mga laro nang live sa online platform ng PFL, sa pakikipagtulungan ng EXPTV Cable Channel na magpapalabas din ng game reply sa Eagle Vision CATV Network Channel 80.

“The PFL leadership wants flexibility with regards on TV coverage. Kaya walang exclusivity. But to reach out viewers on a national scoop, we’re already discussing terms with Cignal, hopefully maisara yung deal before the league opening on Sunday,” pahayag ni Yanno Ibarreta, Program Head at EXPTV Research and Marketing Strategist sa ‘Usapang Sports’ on Air ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) via Zoom ng Sports On Air.

“Right, now it’s all system go for the league’s opening. All participating teams have already check-in in hotel closed to the facility. Fans can watch the game in PFL facebook and EXPTV online platform,” sambit ni Ibarreta sa programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), PAGCOR at Games and Amusements Board (GAB).

Sumailalim sa COVID-19 testing ang lahat ng mga player, opisyal at personnel batay na rin sa resolusyon ng IATF mula sa rekomendasyon ng Joint Administratibe Order (JAO) na binuo ng GAB, PSC at Department of Health.

“All the members of the teams as well as PFL personnel in the bubble will undergo mandatory swab tests, and hopefully, none of them will test positive as practice begins on Friday and Saturday,” pahayag ni PFL commissioner Coco Torre.

Ayon kay Ibarreta, sa kabila ng kawalan ng live audience, sisiguraduhin ng EXPTV na maipapalabas ang maaksiyong tagpo sa bawat laro gamit ang mga makabago at ultra-modern na kagamitan, gayundin ang live broadcast coverage ng ilang batiking football analysts at commentator.

“Sisiguraduhin namin na parang nandoon na rin sa venue ang mga fans sa a,ong broadcast coverage,” sambit ni Ibarreta.

Salpukan sa three-game bill sa opening day ang sa Linggo (Oct. 25) ang ADT squad, na pinagangasiwaan ni Azkals mentor Scott Cooper, kontra Mendiola sa unang laro ganap na 9:00 ng umaga.

Sunod na magtatagpo ganap na 4:40 ng hapon ang Stallion-Laguna at Kaya-Iloilo, habang tampok na laro ang duwelo sa pagitan ng paboritong United City, kinabibilangan ng ilang players mula sa multi-titled Ceres-Negros FC sa pangunguna ni Azkals skipper Stephan Schrock, at bagitong Maharlika, na pangungunahan naman ni dating Azkals defender Anton del Rosario.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?