20
manny-pacquiao1

Upakan kay Matthysse, basehan ni Pacquiao sa pagreretiro

Sharing is caring!

Sinabi ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao na ang magiging resulta ng laban niya kay Lucas Matthysse sa Hulyo ang pagbabatayan niya kung iiwan na ang mundo ng boksing.

Nagsimula na nga ang 39-anyos ding senador ng kanyang pang-eensayo para makuha ang kanyang fighting condition.

“I am not saying it will be the last, but it will be the basis for (me) to think about (whether) to continue or not,” sabi ni Pacquiao sa ulat.

Kuwestiyonable ngayon kung makakasabay si Pacquiao kay Matthysse dahil sa kanyang edad.

Maghaharap ang dalawa para sa World Boxing Association welterweight belt sa Hulyo 15 sa Malaysia.

Isang taon ito matapos maagaw ni Jeff Horn ng Australia ang World Boxing Organization welterweight crown ni Pacquiao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?