149

May 16, 2021 @ 8:49
By

UP, VP Leni pasaklolo sa sunog sa PGH

Maraming pasyente at mga health worker ang naapektuhan dahil sa nangyaring sunog sa Philippine General Hospital nitong Linggo.

Sa Twitter, dumulog si Vice President Leni Robredo kung sino ang handang magpahiram ng malalaking industrial fan para mataboy ang makapal na usok sa PGH.

Bandang alas-5 ng madaling-araw ay naapula na ang sunog, ngunit nabalot naman sa usok ang government hospital.

Sa Facebook post ng University of the Philippines Office of the Student Regent, nagbigay din ng mga paraan para makapagbigay ng donasyon sa mga naapektuhan ng sunog.

Ilan sa mga kailangan ay tubig, face mask at pagkain, pati na rin ang industrial fan, oxygen tanks at linen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?