45

Sep 14, 2021 @ 22:12
By

UP tutol sa nominasyon ni Roque sa Int’l Law

Tinututulan ng University of the Philippines (UP) Diliman ang nominasyon ni Presidential spokesman Herminio ‘Harry’ Roque sa International Law Commission.

“Atty. Roque has a very poor track record of promoting, defending, and fulfilling human rights and the rule of law, especially during the administration of President Rodrigo R. Duterte in which he serves as a cabinet member,” sabi ng UP Diliman executive committee kahapon.

Nagpulong ang UP Diliman executive committee noong Lunes, September 13, para sa 314th meeting nito kung saan dinesisyunan na haharanging nila ang nominasyon ni Roque. Ang executive committee ay binubuo ng Chancellor, Vice Chancellors, ng mga deans at directors ng lahat ng kolehyo, ang University Registrar, at tatlong miyembro na pipiliin ng University Council.

Nagturo si Roque sa UP College of Law kung saan isa siyang alumni.

Bukod sa mahinang track record sa pagsusulong ng human rights at rule of law, sinabi ng UP Diliman executive committee na magiging kasiraan sa ILC kung kukunin nito si Roque at hindi nito isusulong ang layunin ng organisasyon.

Sabi ng UP Diliman executive committee, “his inclusion in the Commission would not serve its purposes but instead diminish the reputation of the body.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?