24

Sep 12, 2021 @ 23:10
By

UP prof: DOH sablay mga datos sa COVID

Tumindi ang pagpuna ng isang professor ng University of the Philippines (UP) School of Statistics ang kahinaan diumano ng datos ng Department of Health (DOH) tungkol sa COVID-19 matapos na siya at ilan sa kanilang pamilya mismo ang mahawa sa sakit na ikinakamatay pa ng kanyang lola.

Masugid na binabantayan ni Peter Cayton, associate professor ng UP School of Statistics, ang mga datos na nilalabas ng DOH sa COVID-19 simula pa ng magkaroon ng pandemya at sinusuyod niya ito.

Nang tingnan umano ni Cayton ang case information niya at ng kanyang lola sa DOH information dataset, nakita niyang tinuring ng kagawaran na gumaling na ang matanda samantalang pumanaw na ito at naiuwi na sa bahay ang mga abo noong Setyembre 10.

Tinuturing din umano si Cayton bilang nakarekober na sa DOH case information dataset ngunit hindi pa siya gumagaling.

“Pakiayos ang inyong data system,” tweet ni Cayton. Naka-tag ang tweet niya sa DOH.

“I checked the Sept 10 DOH Case Information Dataset for my status & my grandmother’s. I am still indicated as recovered, WHICH I AM NOT. She is still indicated as recovered, in which she had died and her ashes are already at home,” tweet pa ni Cayton.

Noong Sabado, napansin din umano niya na 52 kaso ang ‘purged’ o tinanggal sa datos ng DOH, 77 na dating iniulat na recovery ang pinalitan naman ng status.

Aniya, sa positivity rate na lampas 25%, kailangan paigtingin pa ang testing na ginagawa.

“There is a data crisis in DOH as well, with so many cases being purged off the COVID census, and may recoveries being revised as active, died, or purged out of the census,” sabi pa ni Cayton.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,