17

By

UP pinadapa ang Perpetual

Sharing is caring!

NAGWAGI ang University of the Philippines Fighting Maroons laban sa University of Perpetual Help Altas, 25-23, 25-17, 27-25, sa 2018 PVL Collegiate Conference sa FilOil Flying V Arena sa San Juan.

Matapos ang palitan ng puntos, umiskor ng dalawang magkasunod ang Fighting Maroons, sa likod ni Jerry San Pedro para tapusin ang laban, 27-25.

“Gusto kong high intensity yung lagi nilang lalaruin,” ani UP head coach Hans Chuacuco.

“Nagpa-fluctuate kami first set, aangat bababa, second set iiwanan nila [yung kalaban],” dagdag ni Chuacuco.

Mayroong 15 puntos si John Mark Millete samantalang may 12 na puntos si Joshua Castillo.

Mayroong 13 puntos si NCAA rookie-MVP Joebert Almodiel. Nagdagdag naman ng 11 puntos si Ronniel Rosales.

Mayroong 3-2 kartada ang UP samantalang ito na ang apat na pagkatalo ng Perpetual sa limang laro.

Sunod na kahaharapin ng UP ang College of St. Benilde Blazers sa Miyerkules, Agosto 15, samantalang tatangkain naman ng Perpetual na makuha ang kanilang ikalawang panalo laban Arellano University Chiefs sa Linggo, Agosto 19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?