78
UP pasok sa Top 100 ng THE Asia University Rankings
By

UP pasok sa Top 100 ng THE Asia University Rankings

Pinatunayan ng University of the Philippines ang kalidad ng kanilang edukasyon matapos mapabilang sa top 100 ng Times Higher Education (THE) Asia University Rankings.

Pumwesto ang UP sa 95th spot mula sa 417 unibersidad, 61 na pwesto ang iniakyat buhat noong 2018.

Ang UP ang isa sa mga limang unibersidad mula Southeast Asia na napabilang sa Top 100 ng nasabing ranking, nag-iisa sa Pilipinas, samantalang ang iba ay galing sa Singapore at Malaysia.

Samantala nanguna ang Tsinghua University of Asia bilang pinakadekalidad na unibersidad sa 27 bansa, sunod ang National University of Singapore at ang Hong Kong University of Science and Technology.

Ang ranking system ay halos kaparehas ng World University Rankings, ngunit may kaunting iba dahil sa pag-prioritize ng mga institusyon sa Asya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?