182

By

UP official nagbanta, 3 Ateneo player mai-injure

Sharing is caring!

Isang post sa Facebook ang gumawa ng ingay kaugnay sa UAAP Season 81 finals game ng University of the Philippines at Ateneo De Manila University.

Isang Spocky Farolan, kung titingnan sa profile ay miyembro ng UP Board of Regents, ang tila may balak sa tatlong Ateneo player na sinabing “Sayang hindi kumpleto ang players ng Ateneo sa Wednesday. Tatlo injured. Pili na lang kayo kung sino ang mga ‘yon” na may kasama pang emoji ng demonyo sa baba.

Nang mabasa ito ng mga netizen ay nabahala ang komunidad hindi lamang ng UAAP dahil tila may balak itong masama sa mga miyembro ng Ateneo.

Binura na ni Farolan ang nasabing post, at nagpaliwanag sa kanyang Facebook account.

Sinabing ‘sarcasm’ lamang umano ito at hindi dapat seryosohin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }