11

Jul 15, 2021 @ 10:24
By

UP nilabas na listahan ng mga bagong ‘Iskolar ng Bayan’

Ngayong Huwebes, July 15, ay malalaman na kung sino ang mga pumasa sa college admission ng University of the Philippines (UP).

Ayon sa tweet ng UP Office of Admissions, inabisuhan ang mga aplikante na sumunod sa timeslot na kanilang ibinigay base sa unang letra ng kanilang mga apelyido.

Ito’y para maiwasan ang pagdagsa ng mga tao sa kanilang application portal.

8:00am – 10:59am A hanggang F
11:00am – 1:59pm G hanggang M
2:00pm – 4:59pm N hanggang S
5:00pm – 7:59pm T hanggang Z
8:00pm – 7:59am A hanggang Z (free for all)

Hindi kumuha ng taunang UP College Admission Test (UPCAT) ang mga papasok para sa Academic Year 2021-2022 dahil sa COVID-19 pandemic.

Ibinase sa high school record kung sino-sino ang magiging bagong ‘Iskolar ng Bayan’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?