8

By

UP Maroons maghahasa sa Europa

Sharing is caring!

Hindi maitatago ng University of the Philippines ang matindi nilang paghahanda para sa darating na Season 81 ng UAAP.

Bukod sa paghugot ng star players gaya nina Ricci Rivero at Kobe Paras, nakatakda ring magsanay ang UP men’s basketball team sa Europa.

Isasagawa ang training ng UP Maroons sa Serbia mula July 21 hanggang August 4.

Inaasahan din na makalaro ng Maroons ang ilang professional teams sa Europa sa kanilang pagsasanay.

“This training camp should push us to be in the height of our condition. After this, we have at least a month to sustain it. We hope to benefit from the tune up games against Serbian and Croatian professional teams, as well,” sabi ni coach Bo Perasol.

Mukhang puputulin na ngayong taon ng UP ang sumpa at talaga namang gigil ang lahat na masungkit ang panalo sa UAAP Season 81. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?