33

By

UP Maroons determinadong putulin ang sumpa ng ‘Final Four’

Sharing is caring!

Marami ang naghihintay kung aangat ngayong Season 81 ang University of the Philippines Fighting Maroons ngayong pangatlong season na ni coach Bo Perasol sa koponan.

Sa kanyang unang season ay pumang-anim ang Fighting Maroons at sa nakaraang season naman ay pumanglima ito, kaya marami ang naghihntay kung makapapasok na nga ba ang mga taga-Diliman sa final four.

Kahit hindi pa maglalaro ang Gilas cadets na sina Ricci Rivero at Kobe Paras, malakas pa rin ang lineup ng Fighting Maroons na pangungunahan nina Paul Desiderio, magkapatid na Javi at Juan Gomez de Liano, at Gelo Vito.

Matapos ang isang taong residency ay makapaglalaro na rin si dating NCAA mythical five Bright Akhuetie at sasamahan siya nina dating NCAA Juniors MVP Will Gozum at dating Adamson starter Jaydee Tungcab.

Ngayong nasa ikatlong season na siya sa pamumuno, alam ni Perasol na wala silang ibang pupuntahan kundi sa taas.

Una nilang makahaharap ang University of the East Red Warriors sa Sabado, Setyembre 8.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?