up

UP Lady Maroons taas-noo sa pagpatid sa UE

Sharing is caring!

Tinapos ng University of the Philippines ang kampanya nito na may pagmamalaki matapos tigpasin ang University of the East, 14-25, 25-22, 25-23, 25-23, sa UAAP Season 80 women’s volleyball tournament ngayong Sabado sa Blue Eagle Gym.

Muling nabigo ang Lady Maroons na makapasok sa Final Four, at may naitalang 6-8 record ngayong season habang ang Lady Warriors na nagkasya lang sa pagiging eighth seed sa 3-11 record.

Maglalaban sa semifinals ang La Salle, Far Eastern University, Ateneo at National University.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?