50

By ,

UP Lady Maroons magsasanay sa Bangkok

Biyaheng Bangkok, Thailand ang University of the Philippines Lady Maroons para magsanay sa ilalim Federation International de Volleyball (FIVB).

Ang nasabing training camp sa FIVB Development Center sa Thailand ay incentive ng Philippine Superliga (PSL) matapos masungkit ng tropa ang titulo sa inaugural staging Collegiate Grand Slam.

Papalo ang training camp ay sisipa sa ika-20 hanggang 28 ng Enero ngayong taon bilang paghahanda ng tropa mula sa Diliman sa Season 81 ng UAAP.

Naging maganda ang off-season ng Lady Maroons bukod sa pagkakasungkit nito sa titulo sa Collegiate Grand Slam sa PSL, nasungkit din ng Diliman-based squad ang Premier Volleyball League Collegiate Conference title 2018 kontra Far Eastern University Lady Tamaraws.

Puntirya ngayon ng Lady Maroons na madala ang momentum ng off-season sa darating na season ng UAAP at maiangat ang ang sixth place finish nito noong nakaraang season.

Pangungunahan nina Tots Carlos at Isa Molde ang koponan at aasahan din nito na makakatulong sa tropa sina Ayel Estranero, Elaine Gannaban, Jessma Ramos at Marist Layug.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?