309

Jul 2, 2020 @ 14:19
By

UP frat nagpapasahan umano ng mga nude photo

Siniwalat sa social media ang umano’y group chat ng mga miyembro ng isang fraternity sa University of the Philippines Visayas, na tadtad ng mga nude photo at mahahalay na pag-uusap.

Hunyo 26, pinaskil ng Twitter account ‘Manyaks of UPV’ ang ilang screenshot ng umano’y pag-uusap ng mga kasapi ng UP Visayas Scintilla Jvris.

Makikita ang pagshe-share ng mga nude video at photo ng mga babae, ilan dito ay mga ex-girlfriend umano ng mga nasa group chat.

Binansagan ding “snowflakes” ang mga bakla, at pinag-usapan nang malaswa ang kanilang sister sorority, mga senior high school student at iba pang babae.

Sa kanilang pahayag, Hulyo 2, sinabi ng UPV Scintilla Juris na bumuo na sila ng fact-finding at disciplinary action committees para mapanagot ang mga dapat managot.

Humingi rin sila ng tawad sa mga na-harass o na-violate ng kanilang mga kasapi.

“UPV Scintilla Jvris denounces misogyny, sexual violence, and homophobia. We are already taking action,” sambit pa ng frat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?