13

UP Fighting Maroons pagbubutihin sa 2nd round

Sharing is caring!

Kailangan malagpasan ng UP Fighting Maroons ang kanilang kalaban ngayong season, at iyon ay ang kanilang sarili.

Matapos ang back-to-back wins ng UP, pumalya naman sila sa kamay ng UST Growling Tigers, 86-72 nitong Miyerkoles sa Mall of Asia Arena.

Kung kaya’t balik sa drawing board ang koponan ng Fighting Maroons upang maayos ang kanilang problema noong first round.

“We have to do a lot of adjustments. We have to re-examine what is inside of us, more than what we can do on the court,” sabi ni head coach Bo Perasol.

Halos hindi nakapalag ang UP laban sa UST sa simula pa lang ng laro, sapagkat nakalamang rin ang UST ng 30 points sa third period.

Dehado rin sila rebounding department sa 51-38, at mas kumayod ang UST sa second chance mula sa 18-4 advantage.

Kasalukyang nagmamay-ari ng 3-4 na baraha ang UP, kung kaya’t sinuri ni Coach Bo ang mga pagkukulang ng kanyang team.

“When we do it practice, we do it so well. However, when we go out there it becomes different, so it’s a mixture of pressure, expectations, and reactions from the crowd,” paliwanag niya.

Ngunit walang ibang puwedeng gawin ang manlalaro ng UP kundi maglaro sa kabila ng pressure na natatanggap nila.

“We have to accept the pressure,” giit ni Perasol.

“It is not just the expectations of other people but it is our expectations is what’s important,” dagdag niya. (Cyreel Zarate)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?