163

Oct 7, 2018 @ 19:29
By

UP Fighting Maroons master ng dikitang laban

Sa pangalawang pagkakataon, nakatakas na naman ang UP Fighting Maroon mula sa dikit na labanan, ngayon ay kontra naman sa NU Bulldogs, 89-88, nitong Linggo sa Smart-Araneta Coliseum.

Kahit na muntikan na ulit mabokya ang UP sa clutch period, masaya pa rin ang kanilang team sa nakuha nilang panalo.

“The positive way of saying it is we won while learning. I’d rather have that than losing and learning,” sabi ni UP head coach Bo Perasol.

Bukod sa naibaba ng Ildefonso brothers sa isa isa ang kalamangan ng UP, nagmintis sina Jun Manzo at Juan Gomez De Liaño sa free-throw line upang maikyat ang kanilang lamang sa dalawang possession.

Masuwerte na lamang sila at nablanko sa huling possession ang NU guard na si JV Gallego.

“We can put this aside because we have a game right away on Wednesday [against UST], and I’m hoping that we learn how to finish a game,” saad ni Perasol.

Una silang natalo sa dikit na laban ang Adamson Falcons noong Setyembre 26 nang nakatira ng buzzer-beater si Sean Manganti, 68-69, at muntikan na rin maolats ang UP sa La Salle noong Setyembre 30 kung hindi lang sila niligtas ni Juan Gomez De Liaño sa crunch time.

Kung kaya’t hinihikayat ni Perasol na pag-husayan pa nila ang kanilang nilalaro upang makasiguro sila sa panalo sa mga susunod na laban.

“We’re better than that. We need to be better than that if we are going to live up to our own expectations,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?