917

Apr 26, 2020 @ 15:38
By

UP, Ateneo law grad lang pwede! Guanzon ayaw makipagdebate sa shunga

Game makipagdebate ang abogado at Comelec Commissioner na si Rowena Guanzon sa pagkamatay ng dating sundalo na si Winston Ragos.

Ngunit bago muna ito hamunin ay may kondisyon na nilatag ang public official na may master’s degree sa Harvard University.

Saad ni Guanzon, tanging mga nakapagtapos lang sa Ateneo at University of the Philippines school of law ang papayagan niyang makipagsabayan sa kanya, dahil aniya, bawal ang shunga.

Si Guanzon ay nagtapos sa UP kung saan nakakuha rin siya ng degree sa law at economics, bukod pa dito ay naging outstanding alumna ng Alumni Association ng nasabing unibersidad.

Marami naman ang na-offend sa hamon ni Guanzon dahil tanging UP at Ateneo graduate lang ang mga nakikita nitong kapantay niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?