4

By

UNTV Cup: Senate, AFP target manatili sa tuktok

Sharing is caring!

Mga Laro sa Linggo
(Pasig City Sports Center)
2 p.m. – Senate vs DOJ
3:30 p.m. – Malacañang-PSC vs PhilHealth
5 p.m. – AFP vs PITC

Group A: Senate (2-0), AFP (2-0), DOJ (1-1), PNP (1-2), GSIS (1-2), PITC (0-2).
Group B: NHA (3-0), Malacañang-PSC (2-0), DA (2-1), PhilHealth (1-2), Judiciary (0-2), Ombudsman (0-3)

Pupuntiryahin ng defending champion Senate at Armed Forces of the Philippines (AFP) na magkasosyo sa unang pwesto ng Group A sa oras na makaharap nila ang kani-kanilang kalaban sa parating na Linggo, Oktubre 14, sa 7th UNTV Cup sa Pasig City Sports Center.

Unang sasabak ang Defenders kontra Department of Justice Boosters bandang alas-dos ng hapon habang alas-singko naman ang bakbakang Cavaliers at PITC Global Traders.

Susubukan din ng Malacañang-Philippine Sports Commission na masikwat ang ikatlong sunod nitong panalo at makasosyo sa Group B lead sa pagharap nito sa PhilHealth, alas-3:30 ng hapon.

“We have to bring our A-game if we want to stay undefeated,” wika ni Senate coach Mike Fermin.

Mangunguna para sa Senate sina Jeff Sanders, Garry Sevilla, Marlon Legaspi at sina senador Joel Villanueva at Sonny Angara.

Inaasahan na muling puputok para sa AFP si dating Letran player Boyet Bautista na pinangunahan ang Cavaliers sa huli nitong panalo kontra Philippine National Police (PNP).

Kung mamanalo ang Malacañang Kamao, makakasalo nito sa unang pwesto ng Group B ang National Housing Authority pero kailangan muna nitong alpasan ang PhilHealth na kakapanalo lang sa huli nitong laro kontra Ombudsman Graft Busters, 122-99, sa pangunguna nina Jonathan Aldave at Mark Pedroso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?