36

Nov 23, 2018 @ 16:20
By

UNTV CUP: Malacañang-PSC kakaldagin ang Senate

Mga Laro sa Linggo:

(Pasig City Sports Center)

2 p.m. – Agriculture vs PITC

3:30p.m. – Judiciary vs PNP

5p.m. – Malacañang-PSC vs Senate

Standings:

Group A: AFP (6-0), PNP (4-2), Senate (3-2), PITC (3-3)

Group B: Malacañang-PSC (4-1), NHA (4-2), DA (3-3), Judiciary (2-4)

Puntirya ng Malacañang-Philippine Sports Commission na mapalakas pa ang pagkapit sa unahan habang ang Philippine National Police (PNP) ay sasapulin ang ikaapat na sunod na panalo sa oras na makaharap na nito ang kani-kanilang kalaban sa Linggo sa 7th UNTV Cup sa Pasig City Sports Center.

Makakaharap ng Malacañang-PSC Kamao ang defending champions na Senate Defenders bandang 5:00 pm ng hapon.

Tangan ng Kamao ang solo lead sa Group B ng liga bitbit ang 4-1 matapos na matalo ang National Housing Authority sa Armed Forces of the Philippines noong nakaraang Linggo.

Magbabakbakan ng alas-3:30 ng hapon ang PNP Responders at Judiciary Magis, na bumagsak sa 2-4 na baraha matapos matalo kontra PITC, 74-72.

Kakailangan din ng Responders na mapadapa ang AFP at Senate kung gusto nilang umabante sa semis ng torneo.

Tanging ang AFP Cavaliers lang ang nanatiling undefeated, 6-0, habang ang Senate Defenders naman ay hawak ang 3-2 na karta.

Susubukan ng PITC na maiderecho nito ang kanilang winning-streak sa oras na makabangga nito ang Department of Agriculture, 2 PM.

Parehong 3-3 ang win-loss record ng PITC Global Traders at DA Food Masters sa pagpapatuloy ng liga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?