6

By

UNTV Cup: Cordero umatake para sa PNP

Sharing is caring!

Mga Laro sa Miyerkoles: (JCSGO gym, Cubao)

2 p.m. – PITC vs Judiciary

3:30p.m. – PNP vs DA

5p.m. – AFP vs NHA

Standings:

Group A: AFP (5-0), Senate (3-2), PNP (3-2), PITC (2-3)

Group B: Malacañang-PSC (4-1), NHA (4-1), DA (3-2), Judiciary (2-3)

Pinadapa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Malacañang-Philippine Sports Commission ang kanilang mga nakatapat para manguna sa kani-kanilang dibisyon sa 7th UNTV Cup na ginanap sa JCSGO gym sa Cubao.

Winalis ang AFP Cavaliers ang round 1 eliminations para iposte ang 5-0 baraha nang talunin nito ang defending champion Senate Defenders, 76-70, habang ang Malacañang-PSC Kamao ay umalagwa para pabagsakin ang Department of Agriculture Food Masters, 75-63.

Tinapos ng Kamao ang round 1 na kasosyo ang National Housing Authority Builders na bitbit ang 4-1 kartada.

Samantalang wagi naman ang Builders sa panalo nang talunin ang Ombudsman Graft Busters, 94-57.

Ang top four na koponan ng dalawang divisions ang makakapasok sa second round ng torneo at maglalaban-laban ang mga tropa sa Group A at B sa isang single-round robin.

Bukod sa AFP at Senate, pasok din sa sunod na round sa Group A ang Philippine National Police at PITC habang sa Group B pasok din ang Department of Agriculture at two-time champion Judiciary.

Nanguna si Darwin Cordero sa AFP na may 20 puntos at dito nagsimula ang pagkontrol ng Cavaliers sa laro.

Galing sa 63-62 na panalo kontra Builders, tambak ang Kamao ng 12 puntos sa unang minuto ng laro pero nagawang maihabol ito sa tulong ni Erick dela Cuesta para makasikwat ng panalo.

Pumoste si Dela Cuesta ng 22 puntos at siyam na rebounds at tatlong steals habang si Visnu Das Javier naman ay tumapos ng 13 puntos, walong puntos, apat na steals at dalawang blocks.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }