93

Jun 22, 2018 @ 20:55
By

UNTV Cup: 4th win ng Magis aapela nina Yabut, Marquez

Puntirya ng Judiciary Magis na pagtibayin ang kanilang kampanya sa playoff sa pagsabak kontra GSIS Furies sa Hunyo 24 habang hangad ng Malacañang-Philippine Sports Commission na masundan ang unang back-to-back wins sa 2nd UNTV Cup Executive Face-Off sa Pasig City Sports Center.

Matapos ang dalawang linggong pahinga, higit na liyamado ang Magis sa kanilang engkuwentro sa Furies, alas-dos ng hapon 2 p.m. dito sa taunang torneo para sa public servants – na inisponsoran ni UNTV president at CEO Daniel Razon.

Sa pamumuno ni Joey Yabut at Court Administrator Jose Midas Marquez, ‘alang patawad sa kanilang huling laro ang Magis nang gibain ang Malacañang-PSC Kamao, 81-41, para selyuhan ang kanilang ikaltong panalo sa apat na asignatura.

Bagamat wala na sa kontensyon, ang Furies (0-5) hangad pa rin ng tropa ang makasilat.

Ang Kamao, gayunman, ay nakarekober mula sa kahihiyan nang iposte ang maalab na 105-79 panalo kontra Furies.

Buena manong panalo mula sa apat na laro, umalagwa si Special Assistant to the President Sec. Bong Go sa pagbuhos ng 44 points – pinakamaraming puntos sa sinumang player sa torneo na may pabuyang P1 million para sa charity ng champion team.

Asam pa ni Go at katropa na masundan ang pananalasa sa pagsagupa kontra defending champion Armed Forces of the Philippines (AFP) Cavaliers, 5 p.m.

Larga rin alas 3:30 ng hapon ang Senate Sentinels at DOJ Boosters kung saan dumausdos sa dalawang talo ang una tapos ang perpektong 3-0 simula.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?