66

Dec 8, 2019 @ 12:18
By

UNTV Cup 2019: Cavaliers, Kamao tuloy ang karibalan

Asinta ng defending champion Armed Forces of the Philippines (AFP) ang playoff spot kontra sa karibal na Malacañang Palace PSC Kamao ngayong alas-singko nang hapon na magpapatuloy sa 8th UNTV Cup 2019 second round sa San Juan City Gym.

Tiyak na kakayod ang three-time titlists AFP Cavaliers upang makaresbak sa nagpalasap ng unang talo nila sa liga na Judiciary Magis.

Ang pagkabigo ng AFP sa two-time champions Magis ang naglagak sa bagong saltang Department of Environment and Natural Resources (DENR) bilang tanging undefeated team sa ligang inorganisa ni UNTV President at CEO Dr. Daniel Razon.

Habang nagpalakas naman ito sa Judiciary na maka-win-streak sa pakikipagbuno sa PhilHealth Plus sa alas-dos nang hapon.

Bakbakan din ang Philippine International Trading Corp. Global Traders at NHA Builders sa alas-3:30 nang hapon.

Umaasa si Marvin Mercado na pangungunahan niya ang PITC Global Traders sa pakikihamok kontra NHA builders ngayong Linggo sa 8th UNTV Cup 2019 second round sa San Juan City gym.
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?