306

By

Unprofessional! Ex Battalion nilayasan ni Ai Ai

Ayaw na ni Ai Ai delas Alas na maging manager ng Ex Battalion.

Sumikat ang Ex Battalion matapos mag-click sa panlasa ng masa ang kanta nilang “Hayaan Mo Sila”.

Sa report ng Push, sinabi ni Ai Ai na matagal siyang nagtiis sa pag-uugali ng Ex Battalion kaya lang ay nahiya siya kay Vic Del Rosario at sa Viva dahil may pelikula sila.

Sinabi ni Ai Ai ang dahilan ng kaniyang pagkalas, dahil sa pagiging unprofessional ng grupo.

“May gigs, tatango sila, magko-commit ako tapos last minute, biglang ayaw na nila. May magpapa-color daw kasi ng hair na gold. May mga hindi nagising, naiwan ng eroplano. Akong nasusubo sa gulo at napapahiya sa mga producer na kausap ko,” paliwanag ni Delas Alas.

“Pipirma ng kontrata sa Viva biglang ayaw na. Premiere night ng movie namin, late na late ‘yung iba sa kanila. Sabi ko, ‘Hindi na kayo nahiya. ‘Yung senior co-stars niyo, pinaghintay niyo pa,’” dagdag pa niya.

Problema rin umano ay parang walang tiwala sa kaniya ang grupo.

“Ako naman, walang ibang intensiyon kundi tulungan sila. Lahat ginawa ko para sa kanila pero hindi nila ako sinusunod. Nagagalit sila kapag sinasabi kong 30 years na ako in the business, alam ko na ang ins and outs, pero ayaw nilang sinasabi ko ‘yun sa kanila. Kung sagut-sagutin nila ako, they don’t respect me at all,” saad pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?