45

By

Universal Health Care Bill lusot sa Senado

Sharing is caring!

Sa botong 14 pabor, walang tutol, inaprubahan ng Senado sa ikatlo at pinal na pagbasa ang Universal Health Care Bill kung saan layong ipasaklaw ang lahat ng mga Filipino sa National Health Insurance Program.

Ayon kay Senador Joseph Victor Ejercito, chairman ng Senate Committee on Health at nagdepensa ng panukala, makikinabang dito kahit walang kontribusyon o hindi myembro ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

“This bill will ensure that financial issues will no longer be a burden to our countrymen when it comes to healthcare,” pahayag ni Ejercito.

“Those not enrolled in the PhilHealth, once the measure becomes a law, could still avail the health care services since the premium subsidy will be gradually adjusted and included in the General Appropriations Act (GAA),” dagdag nito.

Nangangahahulugan ito na lahat ng pupunta sa ospital, agad nang makagagamit ng mga benepisyo mula sa Philhealth.

Magagamit na rin ito sa konsultasyon, laboratory tests at iba pang diagnostic services.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?