141

By

‘Unity walk’ para sa payapang halalan 2019 pinangunahan ng PNP

Nakiisa ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa ginanap na unity walk sa Quezon City Memorial Circle na pinangunahan ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng malinis at mapayapang midterm elections sa 2019.

Daang-daan ang nakilahok sa naturang unity walk, interfaith rally at covenant signing activity sa QC Memorial Circle, Linggo ng umaga bilang marka ng simula ng kampanya para sa May 2019 elections.

Hiling ng mga organizer at mga nakilahok ay isang malinis at tapat na eleksyon.

Dumalo ang mga senatorial candidate ng oposisyon na sina Sen. Bam Aquino, Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano, mga abogado na sina Chel Diokno at Erin Tañada at ang women rights advocate na si Samira Gutoc.

Hindi rin pahuhuli sina dating Assistant Presidential Communication Secretary Mocha Uson, first nominee ng AA-Kasosyo party-list, ang dating Interior and Local Government Secretary Rafael Alunan III, at maging ang mga representative ng iba pang mga party-list group at present sa naturang kaganapan.

Nakiisa rin ang mga miyembro ng Commission on Elections (Comelec), PNP, at iba pang ahensiya ng gobyerno.

Inaasahang ilalabas ng Comelec ang listahan ng mga opisyal na kandidato bago ang Enero 23 samantala ang eleksyon naman ay magaganap sa May 13.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?