9

By

Unilateral ceasefire ng CPP, epektibo ng Dec. 24

Sharing is caring!

Nagdeklara ng unilateral ceasefire ang Communist Party of the Philippines (CPP) nitong Biyernes (Disyembre 7) kaugnay na rin ng holiday season.

Epektibo umano ang first round ng ceasefire ng alas-12:01 ng madaling-araw ng Disyembre 24, 2018 hanggang alas-11:59 ng gabi ng Disyembre 26, 2018.

Magsisimula naman ang ikalawang round ng alas-12:01 ng madaling-araw ng Disyembre 31, 2018 hanggang alas-11:59 ng gabi ng Enero January 1, 2019.

Ayon sa pahayag ng CPP, sa nabanggit na mga petsa, lahat ng units ng New People’s Army ay titigil muna sa opensiba laban sa mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.

Samantala, matigas naman ang gobyerno na magdeklara rin ng tigil-putukan laban sa komunistang grupo sa paniwalang baka patibong lang ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?