39

Feb 27, 2021 @ 11:15
By

Uniformed travel protocols para sa lahat ng LGUs inaprubahan ng IATF

Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang uniform travel protocols para sa lahat ng local government units.

Ang resolusyon ay inianunsiyo ni Presidential Spokesman Harry Roque at ito ay para sa land,air at sea travels.

Sinabi ni Roque na hindi na oobligahin ang mga biyahero na sumailalim sa COVID-19 testing, maliban na lamang kung ito ay requirement sa LGU na magiging destinasyon bago bumiyahe, at magiging limitado lamang ito sa RT-PCR test.

Inalis na rin ng IATF ang quarantine sa mga biyahero, maliban na lamang kung may ipinapakitang COVID symptoms pagdating sa destinasyon.

Kinakailangan pa ring mahigpit na ipatupad ang standard health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask, face shield, at social distancing .

“Clinical and exposure assessment shall be strictly implemented in all ports of entry and exit while health assessment of passengers, supervised by medical doctors,shall be mandatory upon entry in the port/terminal and exit at point of destination,” ani Roque.

Inalis na rin ng IATF ang travel authority at health certificates na iniisyu ng Joint Task Force COVID Shield, gayonman, para sa mga authorized persons outside of residence (APORS) mula sa national government at attached agencies ay kinakailangan pa ring magpakita ng kanilang identification card, travel order at travel itenirary at kailangang pumasa sa symptom-screening sa lahat ng ports of entry at exits.

Para sa ports at terminals, kinakailangang mayroong sapat na quarantine/isolation facilities para sa mga biyaherong makikitaan ng sintomas ng COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?