By

‘Uniform Manual’, inilunsad para sa mga preso

Sharing is caring!

Magkatuwang na inilunsad ng Department of Justice (DOJ) at Department of Interior and Local Government (DILG) ang panuntunan sa pag-compute ng good conduct and time allowances at service of sentence para sa mga bilanggo.

Ayon kay DOJ Undersecretary Reynante Orceo, ang Uniform Manual on Time Allowance and Service of Sentence ay ipatutupad sa mga bilanggo na nasa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nasa ilalim ng DILG, at Bureau of Corrections (BuCor) na nasa ilalim naman ng DOJ.

Sinabi ni Orceo na sa pamamagitan ng Uniform Manual, mapapaluwag nang 20 porsiyento ang mga kulungan dahil magkakaroon ng re-computation para sa “good conduct time allowance”.

“Ngayon, uniform na natin ‘yan. Pinag-isa na natin ‘yung sistema ng dalawang ahensiya para sa mga persons deprived of liberty,” paliwanag ni Orceo.

Ang Uniform Manual ay inilunsad bilang pagtalima sa Republic Act 10592 na nag-aamyenda sa ilang probisyon ng Revised Penal Code.

Sa ilalim ng manual, isinasama sa computation ng sentensya ang preventive imprisonment o period of detention at ang revision of good conduct time allowance.

Pinapayagan din umano sa ilalim ng batas ang BuCor Director General, BJMP Chief at ang mga warden ng provincial, district, municipal at city jail na magbigay ng allowances o bawas sa tagal ng sentensya kung ang isang bilanggo ay nagpakita ng mabuting asal sa bilangguan, kung siya ay nag-aaral o ‘di kaya ay nagtuturo sa kapwa bilanggo.

“The purpose is really to, the decongestion is the effect that will have if we have this uniform manual. It’s actually for the benefit of persons deprived of liberty that eventually has been convicted and they will lessen their designated sentence,” dagdag ni Orceo. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?