17

Oct 10, 2017 @ 12:20

Unified collegiate athletic association ikinakasa

Regular na ring susuportahan ng Philippine Sports Commission ang tertiary sports sa bansa sa pamamagitan ng alokasyong badyet dito taun-taon.

Magkakasundong bumalangkas ng isang united athletic association ang may 140-plus athletic leagues, universities at colleges na inaasahang dadalo sa National Consultative Meeting for Collegiate Sports na itinakda sa Oct. 17-18 sa PhilSports Complex sa Pasig.

“If they decide to form an organization, we will support them,” ani Ramirez sa press meeting sa National Athletes Dining Hall sa Rizal Memorial Sports Complex kahapon, kasama si Commissioner Charles Raymond Maxey.

“If we strengthen grassroots sports, we strengthen the prospects of elite sports,” panapos niya.(Ramil Cruz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?