8

By

UNICEF kontra sa pagpapakulong sa mga edad 12

Sharing is caring!

Hindi kumbinsido ang United Nation’s Children’s Fund (UNICEF) sa mga katuwiran sa panukalang ibaba ang edad ng mga maari nang papanagutin sa batas.

Sinabi ni Lotta Sylwander, ang kinatawan ng UNICEF sa Pilipinas, na masyadong bata ang 12-anyos para papanagutin sa nagawang krimen.

Katuwiran pa nito, hindi pa ‘fully developed’ ang utak hanggang 17-taon gulang.

“Sixteen or below 16 and you commit a crime you’re not always aware as a child of the consequences that can happen and subjecting children to the kind of violence as killing them for example is really not fair to that child they’re never been given a second chance,” paliwanag ni Sylwander.

Hindi rin aniya makakatulong sa pagbabago ng bata kung sila ay paparusahan at mababansagang kriminal hanggang sila ay nabubuhay.

Pagdidiin nito ang kailangan ng bata ay hindi criminal justice system kundi reformative justice system para sila ay sumailalim sa repormasyon at makabalik sa lipunan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?