844

May 10, 2021 @ 11:53
By

Ungol ng bebot dinig sa livestream! ML pro player sibak sa MSC

Hindi maglalaro ang jungler at captain ng Bigetron Alpha na si Jabran ‘Branz’ Bagus Wiloko sa MSC, kasunod ng iskandalong kinasangkutan niya sa isang livestream.

Ayon sa pahayag ng Bigetron Alpha, isa sa mga top team sa MPL Indonesia, suspendido ng isang buwan si Branz.

“We, the management of Bigetron Esports, apologize for the commotion that occurred. We hereby declare that Branz will receive a strong warning from us, and as a sanction, he and related parties have been suspended for a month,” ayon sa koponan.

Sa video ni Branz, maririnig ang isang babae na humahalinghing na tila nagpapaligaya habang naka-live ang pro player.

Humingi na rin ng tawad si Branz sa nangyaring insidente at handa umano siyang harapin ang kaparusahan sa nangyaring iskandalo.

“My friends, I apologize for the uproar that happened. All of that is purely my negligence. I will accept the action or the consequences. Once again I apologize for this carelessness,” lahad ni Branz.

Hindi pa naman sigurado kung makababalik pa si Branz sa Bigetron dahil pag-uusapan pa ang kontrata nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?